Ayon kay Varilla, ang mga chief of police ang nakakaalam ng mga sindikato sa kani-kanilang nasasakupan kung kayat ipinauubaya na rin niya sa mga ito kung anong estratehiya ang dapat gawin sa pagbuwag ng mga organized crime groups.
Aniya, target nilang bumaba ang crime rate ng 20 porsiyento. Iginiit ni Varilla na tukoy naman ng pulisya ang mga crime group at naniniwala sila na kung mabubuwag ang mga sindikato, mas magiging ligtas ang ibat ibang lugar sa Metro Manila.
Pinatutukan ni Varilla ang mga sindikato ng kidnap for ransom at bank robbery kung kayat pipilitin nilang makapagdagdag pa ng mga pulis na itatalaga na magsasagawa ng checkpoints sa mga delikadong lugar.
Nakatakda din nilang hilingin ang suporta ng mga Local Government Units (LGUs at mga non-government organizations upang I-neutralize ang mga kriminal. (Doris Franche)