^

Metro

Pagbuwag sa mga sindikato, inutos

-
Inutos ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Director Reynaldo Varilla sa mga chief of police na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa may 183 sindikato na nagsasagawa ng kanilang operasyon sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Varilla, ang mga chief of police ang nakakaalam ng mga sindikato sa kani-kanilang nasasakupan kung kaya’t ipinauubaya na rin niya sa mga ito kung anong estratehiya ang dapat gawin sa pagbuwag ng mga organized crime groups.

Aniya, target nilang bumaba ang crime rate ng 20 porsiyento. Iginiit ni Varilla na tukoy naman ng pulisya ang mga crime group at naniniwala sila na kung mabubuwag ang mga sindikato, mas magiging ligtas ang iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Pinatutukan ni Varilla ang mga sindikato ng kidnap for ransom at bank robbery kung kaya’t pipilitin nilang makapagdagdag pa ng mga pulis na itatalaga na magsasagawa ng checkpoints sa mga delikadong lugar.

Nakatakda din nilang hilingin ang suporta ng mga Local Government Units (LGUs at mga non-government organizations upang I-neutralize ang mga kriminal. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

DIRECTOR REYNALDO VARILLA

DORIS FRANCHE

KALAKHANG MAYNILA

LOCAL GOVERNMENT UNITS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

VARILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with