Halos hindi na makilala ang mga biktimang sina Bibeth, 10; Rita, 8; Henessy, 7, Maymay, 6 at Harold Vivita, Jr. 3, pawang mga residente ng Carnation St. Brgy. Malinta, Valenzuela City.
Samantalang ginagamot naman sa Valenzuela General Hospital si Herald Vivita na nagtamo naman ng 2nd degree burn na nakaligtas matapos na tumalon sa ikalawang palapag ng bahay.
Ayon kay Fire Officer 2 Melchor Gonzales ng Valenzuela Fire Station, naganap ang sunog dakong alas 2:10 ng madaling-araw sa bahay mismo ng mga biktima.
Lumilitaw na umalis ang mga magulang ng mga biktima na sina Harold at Marites Vivita upang mamili ng gulay sa Divisoria na kanilang ititinda.
Iniwan ng mag-asawa ang nakasinding kandila at saka ipinad-lock ang bahay kung saan nahihimbing ang mga biktima.
Nakita ng ilang kapitbahay ang umuusok na apoy mula sa bahay ng mga biktima hanggang sa tuluyan nangn lumaki at nakulong ang lima habang nakatalon naman si Herald.
Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na naapula matapos ang halos tatlong oras., Samantalang 89 na bahay din ang nadamay kung saan 105 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy. (Ellen Fernando)