2 motorsiklo bumangga: 2 patay
January 7, 2007 | 12:00am
Agad na namatay ang dalawang lalaki matapos na bumangga ang kanilang mga motorsiklo sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City at Pasay City.
Dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang Junabil Junatas, 36, residente ng Blk. 91 Lt. 7 Roma Amor St. Makati City na nagtamo ng pinsala sa ulo samantalang kusang loob namang sumuko sa mga awtoridad ang nakabanggaan ng biktima na si Cesar Flores, Jr. negosyante at naninirahan sa Tuazon St. Pateros, Metro Manila.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Lerma Valladolid ng Quezon City Traffic District, naganap ang insidente alas-3:45 ng madaling-araw sa panulukan ng Boni Serrano St. at 8th Ave. ng nasabing lungsod.
Nabatid na patungo sa EDSA ang minamanehong Toyota Corolla ni Flores na may plakang PTB-762 habang patungo namang Katipunan ang Honda XRM ni Junatas hanggang sa magsalpukan.
Dahil sa lakas ng impact tumilapon ang biktima at nabasag ang helmet nito na nagresulta sa pagkakapinsala ng ulo nito.
Samantala, patay na rin ng idating sa San Juan De Dios Hospital si Rainer Lim ng no. 619 Brgy. San Jose Mandaluyong City habang sugatan ang nakabanggaan nito na si Romeo Santos, 22.
Lumabas sa pagsisiyasat ni SPO1 Alberto Ignacio ng Pasay City Traffic Enforcement Unit, naganap ang banggaan nina Lim at Santos dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa tapat ng St. Jude Bus Terminal, Malibay, Pasay City.
Kapwa mabilis ang pagpapatakbo ng dalawa hanggang sa tumilapon si Lim ilang metro ang layo habang sumadsad din si Santos.
Inihahanda naman ng pulisya ang kasong isasampa laban kina Flores at Santos. (Doris Franche at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended