Ang naturang hakbang, ayon kay LTFRB Chairman Thompson Lantion ay alinsunod sa kautusan ni DOTC Secretary Leandro Mendoza kaugnay ng bus modernization program ng ahensiya.
Layunin ng naturang program na mawalis ang mga lumang pampasaherong sasakyan na mistulang mga tumatakbong kabaong sa lansangan partikular sa kahabaan ng Edsa.
Gayundin, layunin din nito na mabigyan ng proteksyon ang riding public mula sa peligro ng aksidente sa mga kalye. (Angie dela Cruz)