2 GRO kinatay sa condo
January 6, 2007 | 12:00am
Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng dalawang Guest Relation Officer (GRO) matapos na matagpuan ang bangkay ng mga ito na laslas ang mga leeg at putol ang mga daliri sa loob ng kanilang inuupahang condominium unit sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang mga biktima na sina Angie Dinuya, 30 at Jemlen de Torre, 27, kapwa residente ng Cavite St., Tondo, Maynila.
Ipinag-utos naman ni Manila Police District-Homicide Section chief, C/Inspector Alejandro Yanquiling Jr. ang pagtugis sa pangunahing suspect na nakilala sa pangalang Jimboy Legaspi, umanoy kasintahan ng biktimang si de Torre.
Ayon sa ulat ng pulisya, nabatid na huling nakita pang nag-iinuman ang tatlo sa loob ng naturang condominium sa Unit 5, ng 1315 Cavite St., Tondo noong gabi ng Enero 3.
Natuklasan naman ng pamangkin ng isa sa mga biktima ang krimen dakong alas-8 kamakalawa ng gabi nang magtaka ito dahil sa hindi lumalabas ng unit ang dalawa.
Doon na natuklasan ang magkatabing bangkay ng mga biktima na kapwa ginilitan at putol-putol pa ang mga daliri palatandaan na nagkaroon ng panlalaban.
Nawawala naman ang pera, cellphone at mga alahas ng mga biktima na hinihinalang tinangay ng suspect.
Hindi rin naman isinasantabi ang anggulo na may kasamang iba ang suspect sa isinagawang krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest