Sa halip, ang P200,000 pisong inilaan ng Parañaque City Hall at Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Roberto Rosales na lamang ang matatanggap ng impormante na nagbigay impormasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa sinasabing gunman ng mag-ama na nakilalang si Christopher Garcia.
Ikinatuwiran umano ng OSG na hindi pa nadadakip ang mastermind sa naturang pamamaslang kayat hindi muna aniya maipagkakaloob ang inilaang salapi ang sinabing pabuya.
Bagamat nauunawaan naman ito ng pulisya, nangangamba rin sila na hindi ito magandang senyales para sa mga nagnanais pang magbigay ng impormasyon sa pulisya sa mga magaganap na krimen dahil na rin sa pangambang hindi matupad ang ipapangako sa kanilang pabuya.
Magugunita na inanunsyo noong Disyembre 13 ng nagdaang taon ng OSG ang paglalaan nila ng P1 milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng konkretong impormasyon na magbibigay kalutasan sa naturang pamamaslang. (Lordeth Bonilla)