^

Metro

P1 milyong pabuya ng OSG, binitin

-
Naunsiyami at nanlumo ang ilang kagawad ng Parañaque City Police makaraang tumanggi ang Office of the Solicitor General (OSG) na ipagkaloob ang inilaang P1 milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng suspect na pumatay kina Assistant Solicitor General Nestor Bellocillo at anak na si Benedict noong nakaraang buwan.

Sa halip, ang P200,000 pisong inilaan ng Parañaque City Hall at Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Roberto Rosales na lamang ang matatanggap ng impormante na nagbigay impormasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa sinasabing gunman ng mag-ama na nakilalang si Christopher Garcia.

Ikinatuwiran umano ng OSG na hindi pa nadadakip ang mastermind sa naturang pamamaslang kaya’t hindi muna aniya maipagkakaloob ang inilaang salapi ang sinabing pabuya.

Bagama’t nauunawaan naman ito ng pulisya, nangangamba rin sila na hindi ito magandang senyales para sa mga nagnanais pang magbigay ng impormasyon sa pulisya sa mga magaganap na krimen dahil na rin sa pangambang hindi matupad ang ipapangako sa kanilang pabuya.

Magugunita na inanunsyo noong Disyembre 13 ng nagdaang taon ng OSG ang paglalaan nila ng P1 milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng konkretong impormasyon na magbibigay kalutasan sa naturang pamamaslang. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ASSISTANT SOLICITOR GENERAL NESTOR BELLOCILLO

BAGAMA

CHRISTOPHER GARCIA

CITY HALL

CITY POLICE

DIRECTOR CHIEF SUPT

LORDETH BONILLA

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

ROBERTO ROSALES

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with