^

Metro

May-Ari Anak Ng Maimpluwensiyang Politiko: Pamamayagpag ng casino sa Pasig tinutulan

ULAT SAMBULAT - ULAT SAMBULAT Ni Edwin Balasa -
Mariing tinututulan ng mga negosyante sa lungsod ng Pasig ang pag-ooperate ng  casino sa isang pampamilyang strip mall sa Pasig City na ang namamahala ay anak ng isang maimpluwensyang politiko.

Ayon kay Brgy. Kapasigan Councilor Victorino Vic Obina, ang tinututulan ng mga negosyante ay ang casino na nasa ikalawang palapag ng Metrowalk, isang pampamilyang strip mall na matatagpuan sa kahabaan ng Meralco Avenue ng nasabing lungsod.

" Nakipag-meeting ako sa grupo ng business sector at nagtataka sila kung bakit nagkaroon ng sugalan sa isang disenteng pasyalan ng pamilya at sa gitna pa ng malalaking establisimento ng lungsod," pahayag ni Obina sa isang telephone interview.

Dahil dito tinuligsa ni Obina ang pamahalaang lokal ng Pasig sa pangunguna ni Mayor Vicente "Enteng" Eusebio na ilabas kung sino ang nasa likod ng sugalan at kung paano ito nakakuha ng permit to operate na napag-alaman pa na noong nakaraang taon pa nagbukas.

Ibinunyag din ni Obina na ang maintainer ng nasabing casino na ang karaniwang mga costumer ay mga mayayamang tao ay anak ng isang kilala at maimpluwensyang pulitiko.

Nanawagan din si Obina sa mga mamamayan ng Pasig na makilahok sa gagawin nilang pakikibaka upang wakasan na ng tuluyan ang nasabing casino upang hindi na makaperwisyo pa ng isang magandang pagsasama ng pamilya.

Napag-alaman na isa sa mga may-ari ng Metrowalk ay si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson subalit hindi naman tinukoy ni Obina kung sino ang anak na siyang nagmementina ng nasabing casino.

AYON

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

ISANG

KAPASIGAN COUNCILOR VICTORINO VIC OBINA

MAYOR VICENTE

MERALCO AVENUE

METROWALK

OBINA

PASIG

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with