^

Metro

P7.50 na pasahe sa jeep, ibalik — Piston

-
Iginiit kahapon ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper Operator Nationwide (PISTON) sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na muling ibalik sa P7.50 ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog Region.

Ito ay makaraang tanggalin na ng Petron ang P2.00 discount kada litro ng diesel na ipinatupad kahapon ng hatinggabi.  Ayon kay George San Mateo, spokesperson ng PISTON, patunay lamang umano ito na hindi ang fare rollback ang magbibigay ng economic relief sa mamamayan sa bansa.

 Nagbanta rin ang PISTON na kung may magaganap pang pagtaas sa presyo ng produktongpetrolyo at walang magiging aksiyon ang pamahalaan dito ay hindi malayong isagawa ng grupo ang malawakang transport strike sa unang quarter ng taon.

 Magugunitang nagbigay ng dalawang pisong discount sa diesel ang Petron nitong Disyembre bilang pamaskong handog sa tsuper at operator ng pampasaherong jeepney ngunit binawi na posibleng magsunuran rin ang ibang oil players sa bansa.

 Sinabi naman ng pangulo ng FEJODAP na si Zeny Maranan, wala pa umano siyang natatanggap na reklamo mula sa mga miyembro hinggil sa pagtanggal ng discount ng PETRON. (Doris M. Franche)

CENTRAL LUZON

DORIS M

GEORGE SAN MATEO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

PETRON

PINAGKAISANG SAMAHAN

SOUTHERN TAGALOG REGION

TSUPER OPERATOR NATIONWIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with