^

Metro

Malabon fire: 100 bahay tupok, 2 sugatan

-
Tinatayang aabot sa milyun-milyong halaga ng ari-arian ang napinsala matapos na lamunin ng apoy ang may 100 kabahayan at ikinasugat pa ng dalawang katao sa sunog na naganap sa Malabon City kahapon ng umaga,

Kinilala ni Malabon Fire Department ang mga nasugatan na sina Calito Siazon, 18 at Anna Marie Sarmiento, 43, kapwa naninirahan sa Gov. Pascual Sitio 6, Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ang mga ito ng mga lapnos at paso sa katawan.

Ilan sa mga residente ang na-trap sa kanilang bahay subalit nagawa ring mailigtas ng ibang residente na nagkagulo na rin sa paglikas ng kanilang mga kagamitan.

Ayon sa ulat ng mga fire investigators, dakong alas-11:45 ng umaga nang biglang makarinig ang mga residente ng isang malakas na pagsabog kasunod ng paglaki ng apoy sa nasabing barangay.

Nabatid na madaling kumalat ang apoy dahil sa marurupok ang mga bahay na magkakakadikit sa lugar. Umabot sa Task Force Charlie ang alarma ng sunog. Kasalukuyan pa ring inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog. (Ellen Fernando)

ANNA MARIE SARMIENTO

AYON

BRGY

CALITO SIAZON

ELLEN FERNANDO

MALABON CITY

MALABON FIRE DEPARTMENT

PASCUAL SITIO

TASK FORCE CHARLIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with