Saksi sa patayan, patay sa boga
January 3, 2007 | 12:00am
Patay ang isang 43-anyos na lalaki na saksi sa naganap na patayan sa kanilang lugar makaraang barilin ito sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Agad na nasawi sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kanang teynga ang biktimang si Armando Pantaleon, ng Cattleya St., Brgy. Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod.
Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga sa kahabaan ng Agustin St., Brgy. Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod. Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang asawa patungong grocery nang biglang lumapit ang suspect na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ng malapitan ang una.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang nasawi ay siyang saksi sa naganap na patayan sa kanilang lugar noong nakaraang taon subalit hindi pa ito lumulutang upang tumestigo sa korte.
Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang pagpatay sa biktima sa nasaksihang krimen habang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspect at agarang pagkadakip dito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended