Bahay ng ex-Bb. Pilipinas candidate ni-raid ng CIDG
December 31, 2006 | 12:00am
Binusisi ng mga elemento ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang bahay ni dating Bb. Pilipinas candidate Hergielyn Dimagiba sa kahabaan ng Habagat St. Teresa Heights Subd., Fairview Quezon City.
Si Dimagiba, 2001 Bb. Pilipinas candidate, na sinasabing malapit na kaibigan ng naarestong si Abra Gov. Vicente Valera ay nangupahan sa naturang bahay mula noong Disyembre 13 ng taong ito.
Si Valera umano ay nanirahan sa bahay ni Dimagiba bago ito naaresto ng mga elemento ng Traffic Management Group sa QC dala ang Suburban SUV na walang plaka at gumagamit ng wang-wang.
Nais malaman ng mga awtoridad kung may armas pang nakatago sa bahay ni Dimagiba tulad ng tatlong .45 caliber guns at HK pistol na nakuha naman sa loob ng sasakyan ni Valera noong mahuli.
Sinabi naman ni Chief Inspector Joseph Orsos ng TMG legal division na noong nasa puwesto pa noon si dating PNP chief Arturo Lomibao ay matagal nang inutos nito na kanselahin ang lahat ng permit- to-carry firearms sa lahat ng residente ng Abra at ang kautusang ito ay pinatutupad pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Si Valera at ang kanyang bodyguard na si SPO1 Adelfo Ortega ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at sinasabing ang gobernor ang nasa likod ng pamamaslang kay Abra Rep. Luis Bersamin Jr matapos naman itong ikanta ng suspect na si dating Philippine Constabulary duty sergeant Rufino Panday, na si dating La Paz, Abra vice-mayor Freddie Dupo ay nagbayad ng P500,000 para patayin si Bersamin at si Valera naman ay nakipag kasundong babayaran ang balanseng P5 million para dito.
Kasama ng PNP-CIDG ang mga elemento ng NBI sa pagbusisi sa bahay ni Dimagiba. (Angie Dela Cruz At Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am