Mag-iina tupok sa sunog
December 30, 2006 | 12:00am
Tatlong mag-iina ang nalitson ng buhay, habang tinatayang aabot sa milyun-milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na naganap kahapon ng madaling-araw sa Corinthian Gardens Subdivision sa Quezon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Cristina Yao at ang mga anak na sina Howelle, 18 at Hugh, 11, ng 10 Manansala St. ng nasabing exclusive subdivision.
Ayon kay City Fire Marshall Chief Inspector Oscar Villegas, nag-umpisa ang sunog pasado alas-10 ng gabi habang ang tatlo ay mahimbing na natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Nagmula ang apoy sa unang palapag ng bahay na sinasabing dahil sa nag-spark na Christmas light sa sala ng bahay. Mabilis umanong kumalat ang apoy at hindi na nagawa pang makababa ng mag-iina. Naapula ang sunog matapos ang tatlong oras.
Nakita ang mga bangkay ng mag-iina sa loob ng comfort room ng masters bedroom.
Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng 3rd degree burn.
Samantala, nauna rito isang sunog pa ang naganap dakong alas-4 ng hapon kamakalawa na tumupok sa tatlong palapag ng gusali na matatagpuan sa Quirino Highway corner Salvador St., Novaliches ng nasabing lungsod.
Ang nasabing establisimento ay inuupahan ng Avon Cosmetics. Wala namang nasaktan sa insidente, gayunman umaabot sa P10 milyon halaga ng mga paninda ang naabo. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended