3 paslit nawala habang nangangaroling
December 29, 2006 | 12:00am
Nangangamba ngayon ang mga magulang ng tatlong batang nawawala matapos na mangaroling sa hinalang hawak na ng sindikato ng mga kumukuha ng mga paslit ang kanilang mga anak para pagpalimusin sa lansangan sa Caloocan City.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi na nakauwi pa sa kanilang mga bahay ang mga paslit na sina Rodel Fojas, 10; Nico Fojas, 6; at Mark Anthony Galono, 7, pawang residente ng 71 Panganiban St., Biglang Awa ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman sa mga magulang ng mga bata na sina Leysa Fojas at Lorna Galono, na noong Disyembre 24 pa nawala ang mga bata makaraang magpaalam na mangangaroling lamang.
Duda ang mga magulang ng paslit na baka kinuha ang mga bata ng sindikatong gumagamit ng mga paslit sa mga panlilimos sa lansangan. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended