QC fire: P30M natupok
December 29, 2006 | 12:00am
Bagamat patuloy ang babala ng mga awtoridad, isa na namang sunog ang sumiklab kung saan tinatayang aabot sa P30 milyon nang tupukin ng apoy ang isang foodmart building na kinaroroonan ng Goldilocks sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Sa report ni SPO1 Manuel Robles, arson investigator ng Quezon City Central Fire Dept., dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang lamunin ng apoy ang gusali ng Unilane Foodmart sa Visayas Avenue, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Lumilitaw na nagsimula ang apoy bunga ng faulty wiring sa nakasarang bodega sa mezzanine ng Unilane kung saan nadamay din ang isang apartment na nasa likod ng nasabing establisimiyento.
Ayon kay Emmanuel Enciso, may-ari ng gusali, pati ang umuupang Goldilocks bakeshop ay natupok din at tinatayang nasa P15 milyong halaga ang nasunog.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa sunog na umabot sa Task Force Delta at naapula ito ng mga pamatay-sunog matapos ang halos apat na oras. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended