^

Metro

MPD walang aksyon sa gabi-gabing riot

-
Nanawagan ang mga residente ng San Andres, Maynila sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) na aksyunan ang sunud-sunod na riot ng mga kabataan na nagaganap sa lungsod matapos na isa na namang tinedyer ang nasawi nang barilin ng isang grupo ng kabataan, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Ramoncito Balceda, ng Radium St., San Andres Bukid Maynila. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Hindi naman nakilala ang dalawang kabataang lalaki buhat sa isang grupo na nakitang nambato at namaril sa biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Dagonoy at Tenerio St. sa San Andres Bukid.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang batuhin ng bote ng isang grupo ng kabataan. Gumanti naman ang biktima hanggang sa sumugod ang mga suspect at pagtulungang gulpihin ito. Isa sa mga suspect ang nagbunot ng baril at saka sunud-sunod na pinaputukan ang biktima saka mabilis na nagsitakas. Isinugod naman sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Nababahala na umano ang mga residente rito dahil sa sunud-sunod na riot sa lugar na tila hindi nabibigyan ng pansin ng nga awtoridad. Madalas din umano ay nangungursunada na lamang ang mga gang dito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DAGONOY

DANILO GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

RADIUM ST.

RAMONCITO BALCEDA

SAN ANDRES

SAN ANDRES BUKID

SAN ANDRES BUKID MAYNILA

TENERIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with