Ama sinaksak sa harap ng anak
December 27, 2006 | 12:00am
Nasawi kahapon ang isang 26-anyos na ama matapos na saksakin ng isang tinedyer buhat sa isang gang ng mga kabataan sa harap mismo ng kanyang paslit na anak sa Tondo, Maynila.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center dakong alas-12:30 ng madaling araw ang biktimang nakilalang si Jaime Lanuses, ng 161 Area F. Parola Compound, Tondo.
Hindi naman nakilala ang suspect na pinaniniwalaang buhat sa isang grupo ng mga kabataang gangster na malimit mangursunada.
Sa ulat ni Det. Gerardo Abulencia ng Manila Police District-Homicide Section, sakay ng isang pedicab na minamaneho ni Arturo Manalo ang biktima kasama ang anak na lalaki at kaibigan na si Rommel Dalanos.
Nang makarating sa Herbosa St., hinarang ang mga ito ng isang grupo ng mga kabataang lalaki ang pedicab. Dito bumaba ang biktima at kinompronta ang grupo na nag-ugat sa pagtatalo.
Isa buhat sa grupo ang naglabas ng patalim at biglang sinaksak ang biktima at pagkatapos ay nagkani-kanya nang takbuhan ang mga ito papatakas.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na rin naisalba pa ang buhay nito.
Naniniwala ang pulisya na posibleng nasa impluwensiya ng droga ang mga suspect at napagtripan ng mga ito ang biktima. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended