Hapones tumalon mula-ika 25 palapag, lasog
December 27, 2006 | 12:00am
Hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ika-25 na palapag ng tinutuluyan nitong condominium ang isang opisyal sa Japanese embassy, kahapon ng umaga sa Makati City.
Nakilala ang nasawi na si Kasayuki Ito, nasa pagitan ng edad na 30-35 matapos tumalon mula sa 25th floor at lumagpak sa ika-pitong palapag ng Manansala Building sa Rockwell Center dakong alas-9:30 ng umaga.
Ayon kay Sr. Inspector Eduardo Paningbatan, hepe ng Makati City Police, Criminal Investigation Unit (CIU), walang nakitang suicide note ang mga imbestigador nang magtungo sa Unit 2521 ng naturang gusali na tinutuluyan ng biktima.
Tanging ang nakarehistrong huling tawag sa cellphone ni Ito sa kanyang driver na si Sammy Celestino ang pinagbabatayan ng mga imbestigador sa kanilang ginagawang pagsisiyasat upang malaman ang dahilan ng naturang insidente.
Nabatid sa pulisya na walang indikasyon na may ibang tao sa silid ng biktima bago naganap ang kanyang pagtalon sa bintana ng tinutuluyang unit dahil bukod sa mahigpit ang seguridad sa gusali ay itinatala pa sa blotter kung sino ang mga nagtutungo o bibisita rito.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended