Ayon kay Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., mabuti na lamang at kaagad na na-detect na may sira ang makina ng Cessna plane na may body number 421 ng Phil. Air Force na dapat ay siyang maghahatid kina Tolentino patungo sa himpilan ng AFP-Southern Luzon Command na nakabase sa Camp Nakar, Lucena City.
Nabatid na nag-malfunctioned ang brake ng eroplano.
Kabilang sa mga napilitang bumaba sa sumadsad na Cessna plane ay sina Col. Cesar Yano, Army Chief for Operations; Col. Ramon Cabal, Army Chief for Logistics; Chief Master Sgt. Fidel Alegre at ang aide de-camp ni Tolentino na si Capt. Louie Demaala.
Ayon kay Torres, ang eroplano ay nakatakda sanang magtungo sa SOLCOM bago tumuloy sa himpilan ng 9th Infantry Division ng Phil Army sa Pili, Camarines Sur ng maganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga kahapon.
Magtutungo si Tolentino sa lugar para isuperbisa ang isinasagawang relief operations ng mga sundalo sa mga naging biktima ng bagyong Reming. (Joy Cantos)