^

Metro

Army Chief, 4 pa nakaligtas sa sumadsad na Cessna plane

-
Nakaligtas sa posibleng kapahamakan si Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino at apat na iba pa kabilang ang dalawang colonel matapos na masiraan ng makina ang Cessna plane na kanilang sinasakyan na sumadsad habang nakatakda na sanang mag-take off sa runway 6 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga.

Ayon kay Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., mabuti na lamang at kaagad na na-detect na may sira ang makina ng Cessna plane na may body number 421 ng Phil. Air Force na dapat ay siyang maghahatid kina Tolentino patungo sa himpilan ng AFP-Southern Luzon Command na nakabase sa Camp Nakar, Lucena City.

Nabatid na nag-malfunctioned ang brake ng eroplano.

Kabilang sa mga napilitang bumaba sa sumadsad na Cessna plane ay sina Col. Cesar Yano, Army Chief for Operations; Col. Ramon Cabal, Army Chief for Logistics; Chief Master Sgt. Fidel Alegre at ang aide —de-camp ni Tolentino na si Capt. Louie Demaala.

Ayon kay Torres, ang eroplano ay nakatakda sanang magtungo sa SOLCOM bago tumuloy sa himpilan ng 9th Infantry Division ng Phil Army sa Pili, Camarines Sur ng maganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga kahapon.

Magtutungo si Tolentino sa lugar para isuperbisa ang isinasagawang relief operations ng mga sundalo sa mga naging biktima ng bagyong Reming. (Joy Cantos)

AIR FORCE

ARMY CHIEF

ARMY CHIEF LT

ARMY SPOKESMAN MAJOR ERNESTO TORRES JR.

AYON

CAMARINES SUR

CAMP NAKAR

CESAR YANO

CESSNA

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with