Ayon kay QC Police Chief Dir. Gen. Magtanggol Gatdula, dakong alas-2 nang madiskubre ang insidente nang isa sa mga sekyu ng nasabing mall ang nagawang makatawag sa Station 6 ng QC Police at ipaalam ang nangyayari sa loob ng mall.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na pwersahang binuksan ng mga suspect ang entrance ng mall gamit ang vault cutter.
Hininala naman ni Gatdula na inside job ang naganap na krimen. Isa sa mga sekyu naman ang sugatan sa nasabing insidente nang pukpukin ito ng baril sa ulo ng mga suspect, habang ang ilan sa mga kasamahan naman nito ay pinosasan naman ng mga huli.
Agad namang isasailalim sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang 12 security guards na nagbabantay sa mall.
Sinabi din ni Gatdula na maging ang mga tauhan ng mall ay iimbestigahan upang malaman kung may kinalaman din ang mga ito sa naganap na nakawan.
Kasalukuyan ring inaalam kung magkano ang kabuuang halaga na natangay sa Gotesco ng mga suspect na nagkanya-kanyang nagsitakas.
Hindi pa mabatid kung grupo nga ng hold-up and robbery syndicate ang mga ito. (Angie dela Cruz)