Parak rumesponde sa kaguluhan, binoga
December 25, 2006 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ang isang operatiba ng Malabon City Police matapos na barilin ng di kilalang salarin habang rumeresponde ito sa isang karahasan, kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Chinese General Hospital ang biktima na si PO1 Melvin Viray, 23, binata, nakatalaga sa Police Community Precinct 3 at residente sa 212 Bisig ng Kabataan, Sangandaan sa lungsod bunga ng isang tama ng punglo sa hita.
Nagsasagawa na ng operasyon ang mga kasamahan ni PO1 Viray upang matukoy ang suspect na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.
Sa pagsisiyasat ni PO2 Jorge dela Cruz, may-hawak ng kaso, dakong alas- 7 ng gabi habang sakay ang biktima ng isang motorsiklo papasok sa PCP 3 nang maispatan nito ang isang kaguluhan sa Pampano St. panulukan ng C-4 Road, Brgy. Longos Malabon City.
Dahil dito, agad siyang huminto at bumaba sa nasabing lugar, hindi pa man nakakalapit si PO1 Viray ay isang putok na ng baril ang narinig ng mga saksi hanggang sa makita na lamang na bumagsak ang una at nakitang umaagos ng dugo sa hita nito bunga ng isang tama ng bala ng di pa malamang kalibre ng baril.
Bunga ng tama ay hindi nagawa pang tumayo ang naturang pulis at nagawa na lamang nitong sulyapan ang papatakas na suspek patungong Pampano St. sa Brgy Longos. Tiyempo namang napadaan ang pulis na si PO1 Ricardo Cuevas sa lugar at nakita ang duguang biktima kung kaya agad niya itong itinakbo sa Tondo Medical Center ngunit dala ng malalang tama nito ay ipinasya ng huli na ilipat sa Chinese Gen. Hospital kung saan ay naka-confine ngayon. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended