Ang hakbang ng heneral ay isinagawa para tuluyang mapanatili ang katahimikan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon at matiyak na walang mang-aabusong pulis partikular ang pagpapaputok ng baril
Ginanap mismo sa NPD headquarters sa Tanigue St., Kaunlaran Village, Dagat-dagatan, Caloocan City.
Ayon kay Tango, hindi maiaalis na may mga pangyayaring mismong mga pulis ang nasasangkot dahil na rin ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay nahahaluan ng pagsasaya sa pamamagitan ng pag-inom ng alak kung kaya taon-taon na nila itong ginagawa.
Iginiit ni Tango na isinasagawa taun-taon ang hakbang na ito mula na rin sa kautusan ng hepe ng PNP na ang layunin ay hindi upang maibaba ang moral ng kapulisan dahil sa kawalan ng tiwala kundi upang masigurong magiging matahimik at mapayapa ang pagseselebra ng Pasko.
Kaugnay nito, nagbanta si Tango sa lahat ng kanyang mga tauhan sa Camanava area na sinumang lalabag sa direktiba nito gaya ng pagpapaputok ng baril ng walang sapat na kadahilanan ay masisibak sa tungkulin.
Dahil dito, tiniyak naman ng NPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID) na kanilang aarestuhin ang sinuman maging kanilang kasamahang pulis na lalabag sa kautusan. (Ellen Fernando)