^

Metro

Filmfest parade of stars ngayon

-
Inanunsiyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani F. Fernando ang magiging ruta ng "Parade of Stars" ngayong taon na isa sa mga nagpapatingkad sa Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) 2006.

Ang parada ay nagtatampok ng mga naglalakihang mga aktor, direktor at mga kilalang personalidad sa showbiz na maglilibot sa Kamaynilaan sakay ng mga pinakabonggang mga floats para makamayan at makasama ng kanilang mga tagahanga. Ang mga grandiyosong floats na ito ay espesyal na dinisenyo na naaayon sa tema ng mga pelikulang kasali.

Ang parada ay magsisimula sa Quezon Ave., babagtas ng España, kakanan ng Lerma at didiretso ng Quezon Blvd. at kakanan patungong P. Burgos-Roxas Blvd. tuluy-tuloy hanggang EDSA papuntang Mall of Asia hanggang sa makarating sa harap ng Aliw Theater, Star City, CCP Complex, Manila.

Para lalong bigyang-saya ang kumpetisyon, ang Manila Broadcasting Co. (MBC), ang co-producers ng MMFFP ay mamimigay ng naglalakihang mga papremyo para sa mananalo ng Best Float category ngayong taon. Ang mananalo ng grand prize ay mag-uuwi ng P500,000 habang ang second prize ay magkakamit ng P300,000 habang ang 3rd place naman ay P100,000.

ALIW THEATER

BEST FLOAT

BURGOS-ROXAS BLVD

CHAIRMAN BAYANI F

MALL OF ASIA

MANILA BROADCASTING CO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

PARADE OF STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with