40 pamilya nasunugan
December 24, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa dalawang magkahiwalay na insidente kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Ayon sa awtoridad, dakong alas-2 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang nagngangalang Violy Bautista sa Carmen Subd. sa Fairview, Quezon City.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, isang napabayaang kandila ang naging dahilan ng sunog na mabilis namang kumalat sa 14 pang kabahayan.
Matapos ang dalawang oras ay isang sunog din ang sumiklab sa Luzon Ave, Brgy. Old Balara, Quezon City.
Hindi pa madetermina ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na tumupok naman sa bahay ng may 25 pamilya. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended