^

Metro

2 lalaki napag-tripan ng adik, kritikal

-
Kapwa nasa kritikal na kondisyon ang dalawang lalaki makaraang pagtripan ng isang grupo ng kabataang hinihinalang nasa impluwensya ng ipinagbabawal na droga sa Pasig City.

Ang mga biktima na kapwa agaw-buhay sa pagamutan ay nakilalang sina Erwin Ferrer 32, factory worker, residente ng Bolante II Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod na ito na nagtamo ng dalawang saksak sa dibdib at Faisal Macud 21, na nagtamo naman ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay SPO Clifford Hipolito, unang naganap dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa ang pagsaksak kay Ferrer habang papauwi ito ng kanilang bahay galing trabaho ng makasalubong ang apat na suspect na umanoy mga drug adik.

Pagtapat ng biktima sa grupo ng mga suspect ay walang sabi-sabing humugot ng panaksak ang isa sa mga ito at inundayan ng dalawang saksak sa dibdib ang una at pagkatapos ay parang walang nangyaring nagpatuloy sa paglalakad ang mga ito.

Makalipas ang may kalahating oras ay pinagsasaksak naman si Macud ng apat na kabataang lalaki habang nakatayo sa harapan ng Pasig Public Market, hindi kalayuan sa pinangyarihan ng unang pananaksak kay Ferrer.

Napagalaman na nilapitan ng mga suspect ang biktimang si Macud at pinagsasaksak ito sa ibat-ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas.

Agad namang naisugod sa Rizal Medical Center ang mga biktima ng mga nagmalasakit na taumbayan na nakakita sa pangyayari.

Lumalabas sa imbestigasyon na halos parehas ang deskripsyon ng mga saksi sa mga suspect kaya posibleng iisang grupo lang ang gumawa ng dalawang pananaksak.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang paglutas ng dalawang kaso. (Edwin Balasa)

AYON

CLIFFORD HIPOLITO

EDWIN BALASA

ERWIN FERRER

FAISAL MACUD

MACUD

PASIG CITY

PASIG PUBLIC MARKET

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with