^

Metro

Pekeng parak timbog

-
Isang 36-anyos na lalaki ang inaresto ng pulisya matapos itong magpanggap na alagad ng batas habang ito ay nanghuhuli ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko, kamakalawa sa Makati City.

Mula sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng Makati City Police inilipat sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Camp Crame ang suspect na si Benjamin M. Selisana, may asawa, nakatira sa # 426 Leyva St., Mandaluyong City.

Ayon sa imbestigasyon ng Makati City Police CIU, naganap ang insidente dakong alas-2:10 ng hapon sa harapan ng Matrix Bar, kahabaan ng P. Burgos St., Barangay Poblacion ng lungsod na ito.

Namataan ng mga nagpapatrulyang mobile patrol car ng Makati City Police ang suspect, na nakasuot ng type-B police uniform at nanghuhuli ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.

Nagduda ang mga pulis na kasamahan nila itong pulis dahil hindi pamilyar sa kanila ang mukha, kung kaya’t agad nila itong sinita.

Nagpakita naman ang suspect ng mission order at ID mula sa CIDG, Camp Crame kaya lalung naghinala ang mga kagawad ng Makati City Police kung bakit sa CIDG pala ito naka-assign ay bakit nanghuhuli ng mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.

Kaagad binerepika sa CIDG Camp Crame kung ang suspect nga ay konektado sa naturang tanggapan. Ngunit napag-alaman na si Selisana pala ay hindi konektado sa kanila, kung kaya’t mabilis itong dinakip ng mga kagawad ng Makati City Police.

Nakumpiska sa naturang suspect ang isang kalibre .45 baril, mga bala at iba’t ibang uri ng ID ng CIDG, Camp Crame.

Sa ngayon ay masusi pang iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BENJAMIN M

BURGOS ST.

CAMP CRAME

CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

LEYVA ST.

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with