17 sasakyan nagkarambola: 2 sugatan
December 23, 2006 | 12:00am
Labimpitong sasakyan ang nagkarambola sa Parañaque City makaraang araruhin ng nakikipagkarerang ten wheeler truck, kahapon ng madaling-araw.
Sugatan ang apat na katao, kabilang ang isang paslit matapos madamay ang kanilang sinasakyan sa mga sinuyod ng truck na may plakang TVM-404 na minamaneho ni Jullie Palma, 48 ng Sampaguita St., Baesa, Quezon City.
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Ricardo Unpongco at ang kalive-in nitong si Dorothy Mendoza habang sa Parañaque Community Hospital naman dinala ang magpinsang sina Daryl Calaliman 12, at Nicole Ledera, tatlong taong gulang na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan.
Batay sa imbestigasyon ng Parañaque Traffic Management Unit, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Coastal Road malapit sa Diosdado Macapagal Avenue. Patungo umano ng Maynila ang truck na pag-aari ng RAS Trucking Co. na may kargang asukal nang makipagkarera sa isa pang trak hanggang sa magitgit ang pampasaherong jeep na lulan ng mag-live in na sina Ungpongco at Mendoza.
Kinabig umano ng driver ang truck subalit tuloy-tuloy ito sa kabilang linya at inararo ang may 15 pang sasakyan na patungo naman ng Cavite.
Ikinatuwiran naman ni Palma na nawalan umano ng preno ang kanyang minamanehong trak kayat hindi na niya napigilan nang pumakabila ito sa kasalubong na linya.
Kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries at damage to properties ang isinampang kaso ng pulisya laban kay Palma. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am