^

Metro

2 paslit kinatay ng ina

- Ni Angie dela Cruz -
Parang baboy na kinatay ng isang ina na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip ang kanyang dalawang anak na lalaki na may gulang na anim at dalawa, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Tinangka pang isugod sa V. Luna Hospital ang mga bata ngunit binawian din nang buhay sa loob ng emergency room dahil sa tinamong dami ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sila ay kinilalang sina Joner Nikko, 6; at Daniel Dennis Roca Opingga, 2; kapwa ng 30-Z Maningning Extension, Brgy. Malaya, Quezon City.

Mabilis namang naaresto ng mga opisyal ng Brgy. Malaya ang inang suspect na nakilalang si Rosally Opingga na nagtangka pang tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Ayon kay PO3 Romeo Tandas ng Quezon City Police District, dakong alas-3:30 ng hapon nang marinig ng kanilang lola ang pag-iyak at paghingi ng tulong ng dalawang bata. Nang tingnan ito ni Lola Gerly ay nasaksihan niya ang ginagawang pananaksak ng kanyang manugang sa kanyang mga apo.

Isinugod pa ni Lola Gerly ang dalawang bata sa pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay.

Nagtamo si Joner Nikko ng 24 na saksak sa katawan, samantalang 15 namang saksak ang tinamo ng bunsong si Daniel Dennis.

Ayon pa sa pulisya, dati na umanong may diperensiya sa pag-iisip ang suspect at hinihinalang muli na naman itong nawala sa katinuan.

Bago ang insidente ilang araw nang napapansin na palaging tulala, walang kibo at halos hindi na lumalabas ng kanilang bahay ang suspect.

Isinasailalim na sa pagsusuri ang salarin sa East Avenue Medical Center na sinampahan na rin ng kasong kriminal kahapon sa Quezon City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

AYON

BRGY

DANIEL DENNIS

DANIEL DENNIS ROCA OPINGGA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JONER NIKKO

LOLA GERLY

LUNA HOSPITAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with