^

Metro

Muntinlupa fire: 327 pamilya nawalan ng tirahan

-
Tinatayang aabot sa 327 pamilya ang inilikas at malamang na magdiwang ng Pasko sa ilang mga covered court at simbahan sa pitong oras na sunog na naganap sa Muntinlupa City kahapon ng madaling-araw.

Tinatayang aabot din sa P5 million halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Ayon kay Fire Officer 2 Marlon Santos, ng Muntinlupa City Fire Department, nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-5 ng hapon sa bahay ng isang Danny Babansad, na matatagpuan sa Sitio Salvacion, Brgy. Tunasan ng nabanggit na lungsod.

Sa kabila na masusi pang iniimbestigahan ang pinagmulan nito, may ilang teyorya ang mga awtoridad na watusi o electrical faulty wiring ang posibleng dahilan ng sunog.

Pansamantalang inilikas ang mga biktima sa JPA covered court Jesus the Good Sheeperd at Planas Compound, na posibleng dito ang mga ito magdiwang ng araw ng Pasko.

Isang lolo na nakilalang si Ben Anthony Reyes, 57, ang nasugatan sa naganap na sunog. (Lordeth Bonilla)

BEN ANTHONY REYES

DANNY BABANSAD

FIRE OFFICER

JESUS THE GOOD SHEEPERD

LORDETH BONILLA

MARLON SANTOS

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY FIRE DEPARTMENT

PASKO

PLANAS COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with