Chinese trader hinoldap, driver sugatan
December 22, 2006 | 12:00am
Isang negosyanteng Chinese national na kawi-withdraw pa lamang sa banko ang hinarang at hinoldap ng tatlong holdaper samantalang sugatan ang kasama nitong driver, sakay sa isang Starex van sa lungsod ng Malabon, kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Zenica Yue, may-ari ng FY Sons Inc. habang sugatan ang company driver nito na si Norberto Husay, 32, may asawa at residente ng #30 San Diego Canumay, Valenzuela City. Ginagamot si Husay sa Fatima Hospital bunga ng isang tama ng bala sa kaliwang hita.
Patuloy naman ang hot pursuit operation ng awtoridad sa mga suspect na nagsipagtakas lulan ng tig-isang motorsiklo patungong Monumento, Caloocan City tangay ang P100 payroll money.
Ayon kay PO2 Ferdinand Espiritu, may-hawak ng kaso, ganap na alas-10:45 ng umaga habang binabagtas sa kahabaan ng MacArthur Hiway, Potrero, Malabon ang isang Starex van (SAC-151) na minamaneho ni Husay sakay si Yue nang biglang sumulpot ang mga suspect sakay ng motorsiklo.
Nabatid na kagagaling lamang ng Metrobank sa Samson Road, Caloocan City branch ang mga biktima matapos na mag-withdraw ng P100,000 si Yuen na pampasuweldo sa kanyang mga empleyado at nang maipit sa trapiko ay biglang lumutang ang mga suspect.
Isa umano sa mga suspect na armado ng di mabatid na kalibre ng baril ang bumaba sa motorsiklo at agad na pinaputukan ang gulong sa harapan ng sasakyan ng mga biktima, habang ang isang suspect ay binasag ang windshield ng drivers seat saka binaril si Husay sa binti.
Kasunod nito, inagaw ng mga suspect kay Yue ang dala nitong bag na naglalaman ng nasabing salapi saka nagsipagtakas. Habang papatakas ay nagpaputok pa sa ere ang mga suspect. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 7, 2024 - 12:00am