Lalaki sumuka sa videoke bar, tinodas
December 21, 2006 | 12:00am
Isang 36-anyos na konduktor ng bus ang nasawi matapos itong pagsasaksakin ng lalaking kanyang nasukahan sa loob ng isang videoke bar kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Mandaluyong.
Dead-on-arrival sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Rolando Canta, konduktor ng Dagupan Bus Co. at residente ng New York, Cubao, QC, matapos na magtamo ng dalawang saksak sa ilalim ng kili-kili.
Samantala, agad namang nakatakas ang di pa nakikilalang suspect matapos ang insidente.
Batay sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Robert Store and Videoke bar na matatagpuan sa Blk. 19-B Martinez St., Welfareville Cmpd., Brgy. Addition Hills ng nasabing lungsod.
Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa dalawa pa niyang kaibigan na pawang mga konduktor ng bus.
Matapos na makaubos ng ilang bote ng beer ang biktima ay nagsuka ito kung saan nasukahan ang suspect na nakikipag-inuman sa kabilang mesa. Agad na umalis ang suspect matapos itong sukahan ng biktima subalit lingid sa kaalaman ni Canta ay nagbalik ito at armado na ng patalim at inabangan ang biktima at nang makita ay walang sabi-sabing inundayan ng saksak. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended