Nakilala ang biktima na si Dr. Monica Geraldine Jarilla, 38, ng 502 Talisay St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:15 ng hapon ng matagpuan ang bangkay ni Jarilla sa loob ng Room 203 ng Fersal Apartelle sa Kalayaan Avenue, Quezon City.
Lumilitaw na Disyembre 16 pa nang mag-check-in ang biktima sa naturang apartelle kaya kamakalawa dakong alas-2:30 ng hapon ay pinuntahan na ito ng roomboy na si Joseph Mercado upang ipaalam na tapos na ang dalawang araw na pagtse-check-in nito.
Ngunit laking gulat ng roomboy nang makitang nakahandusay at may dugong lumalabas sa bibig at ilong nito.
Isang suicide note din para sa kanyang mga magulang ang nakita sa ibabaw ng mesa kasama ang ibat ibang gamot at syringe na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagpapakamatay.
Nakasaad sa iniwang suicide note, binanggit doon na dumaranas ang nasawi ng matinding diabetes. Wala namang nakitang external injuries ang mga awtoridad. (Doris Franche)