^

Metro

Sekretarya todas sa P.5M payroll robbery

- Edwin Balasa -
Patay ang isang 34-anyos na sekretarya matapos itong pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki na magkakaangkas sa isang motorsiklo at tumangay ng P500,000 payroll money kahapon ng hapon sa Mandaluyong City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Lourdes Hospital ang biktimang kinilalang si Maribel Divino, sekretarya ng Bitangcol Construction matapos na magtamo ng tama ng bala sa balikat na tumagos sa baga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa harapan ng Honda Motors na matatagpuan sa Pilar St., Shaw Blvd. ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na sakay ng isang Toyota Land Cruiser ang biktima kasama ang dalawang bata at ang kanyang driver galing sa pagwi-withdraw ng nabanggit na halaga mula sa LandBank Pasig Shaw Blvd. Branch nang tapatan ng isang motorsiklo sakay ang mga suspect at nagpahayag ng holdap.

Dahil sa takot ng biktima ay naihagis nito ang pera na nakalagay sa bag sa labas ng kotse dahilan upang barilin ito ng isa sa mga suspect.

Tinamaan sa balikat ang biktima na tumagos sa baga nito at siyang ikinamatay.

Matapos na makuha ang perang nakalagay sa bag ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang isinugod naman sa nasabing pagamutan ang biktima subalit nasawi rin ito habang ginagamot. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para sa agarang pagkakalutas ng kaso.

BITANGCOL CONSTRUCTION

HONDA MOTORS

LOURDES HOSPITAL

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARIBEL DIVINO

PASIG SHAW BLVD

PILAR ST.

SHAW BLVD

TOYOTA LAND CRUISER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with