Account manager tinarakan ng 2 holdaper
December 18, 2006 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang isang account manager matapos na saksakin ng icepick ng dalawang hinihinalang holdaper nang manlaban ang una samantalang ang isa sa mga suspect ay kinuyog at naaresto ng taumbayan sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.
Nakaratay sa pagamutan ang biktimang si Rommel Santos, 29, account manager ng General Merchandize at nakatira sa No. 97 Adante St. Tanyong, Malabon City bunga ng isang saksak ng icepick sa kaliwang tagiliran.
Bugbog sarado naman sa taumbayan ang isa sa mga suspect na si Gary Ranion, 18, out of school youth, ng 37 Lot 17 Phase 2 , Area 4, Matenico, Navotas habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang kasamahan nito na nakilala lamang sa alyas Christopher.
Sa ulat ni PO1 Rommel Habig, may hawak ng kaso, dakong ala-1:30 ng madaling-araw habang ang biktima ay nag-aabang ng masasakyang tricycle papauwi sa may Leonio St. Tanyong, Malabon nang lapitan ng dalawang suspect na armado ng icepick.
Mabilis na nagpahayag ng holdap ang mga suspect at nang magtangka ang biktima na lumaban ay agad siyang sinaksak ng isang suspect.
Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na kinuha ang kanyang dalang cellphone na Nokia 7610, wallet na may lamang P4,500 cash at coin purse.
Kahit sugatan ay nagawa pa ng biktima na sumigaw na nakakuha ng atensyon sa mga bystander hanggang sa magresponde ang mga ito.
Mabilis na tumakbo ang mga suspect pero sa kasamaang palad ay naabutan si Ranion hanggang pagtulungang bugbugin habang si Christopher ay nakatakas dala ang wallet ng biktima. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am