Sa walong pahinang desisyon ni Judge Librado Correa, ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 166, napatunayan na nagkasala sina Robert at Mateo Moslares ng kasong pagpatay sa biktimang si Benefredo Raton, pastor ng New Covenant Christian Fellowship.
Bukod sa pagkakabilanggo ay inatasan din ng korte na magbayad ang magkapatid ng kabuuang P201,000 bilang bayad sa moral at actual damages sa pamilya ng nasawi.
Batay sa record ng korte, naganap ang insidente noong Setyembre 27, 2003 matapos na komprontahin ni Raton si Roberto na kanyang kapitbahay dahil pinaaalis umano ng huli ang kanyang sasakyan kung saan ito laging nakaparada.
Ang pagtatalo ay nauwi sa suntukan kaya nang malaman ni Mateo na nakikipag-away ang kanyang kapatid ay agad itong sumaklolo at pagtulungan ang biktima.
Pinagpapalo ng dos- por-dos at silya ng magkapatid ang biktima hanggang sa mamatay. (Edwin Balasa)