^

Metro

Mag-utol, kulong ng 17-taon sa pagpatay sa pastor

-
Hinatulan ng tig-17 taong pagkakabilanggo ang magkapatid makaraang mapatunayan ng korte na pinagtulungan nilang patayin ang isang pastor dahil lang sa pagtatalo sa parking area tatlong taon na ang nakalipas sa Taguig City.

Sa walong pahinang desisyon ni Judge Librado Correa, ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 166, napatunayan na nagkasala sina Robert at Mateo Moslares ng kasong pagpatay sa biktimang si Benefredo Raton, pastor ng New Covenant Christian Fellowship.

Bukod sa pagkakabilanggo ay inatasan din ng korte na magbayad ang magkapatid ng kabuuang P201,000 bilang bayad sa moral at actual damages sa pamilya ng nasawi.

Batay sa record ng korte, naganap ang insidente noong Setyembre 27, 2003 matapos na komprontahin ni Raton si Roberto na kanyang kapitbahay dahil pinaaalis umano ng huli ang kanyang sasakyan kung saan ito laging nakaparada.

Ang pagtatalo ay nauwi sa suntukan kaya nang malaman ni Mateo na nakikipag-away ang kanyang kapatid ay agad itong sumaklolo at pagtulungan ang biktima.

Pinagpapalo ng dos- por-dos at silya ng magkapatid ang biktima hanggang sa mamatay. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BATAY

BENEFREDO RATON

BUKOD

EDWIN BALASA

HINATULAN

JUDGE LIBRADO CORREA

MATEO MOSLARES

NEW COVENANT CHRISTIAN FELLOWSHIP

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with