^

Metro

3 miyembro ng Riding-in-Tandem timbog

-
Tatlong miyembro ng grupong Riding in Tandem ang nasakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District(QCPD) matapos ang surveillance sa lugar kung saan madalas nambibiktima ang mga ito sa lungsod.

Sa report na tinanggap ni Supt. Felicidad Gido, hepe ng QCPD-Galas Police Station kinilala ang mga suspect na sina Eduardo Dizon, 25. ng 32 Pasadena St. San Juan; Luisito Cauilang, 23, ng 198 J. Ruiz St. Brgy. Salapan, San Juan at Joey Viola, 22 ng Blk. 37, Lot1 San Lorenzo Ruiz, Taytay Rizal.

Ayon kay Chief Insp. Lino Banaag, lubha silang naalarma sa panghoholdap sa Seven Castle Inc. noong Disyembre 14 sa E. Rodriguez Blvd. kung kaya’t agad niyang pinakalat ang kanyang mga pulis na sina SPO2 Rodolfo del Rosario, PO2’s Joseph Tayaban, Petronilo Lorenzo, Ronald dela Cruz, Jeffrey dela Fuerta, Roco Bautista at Nelson Sarmiento.

Disyembre 15, dakong alas-4 ng hapon ng mapansin ng mga pulis ang isang motorsiklo sakay ang tatlong kalalakihan at hinoldap si Jo Anne Orobia-Chua, 24, ABS-CBN employee. Agad na sinundan ng mga pulis ang mga suspect at dito nahuli si Dizon habang mabilis namang nakatakbo ang dalawa pa.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon ay itinuro naman ni Dizon ang pinagtataguan ng dalawa pang kasamahan sa San Juan kaya’t mabilis namang nakipag-ugnayan ang mga pulis QC sa San Juan Police.

Mabilis na dinakma ng mga pulis sa harap ng kanyang bahay si Cauilang at Viola. Nakuha din sa mga suspect ang isang .38 caliber. (Doris Franche)

CHIEF INSP

DISYEMBRE

DIZON

DORIS FRANCHE

EDUARDO DIZON

FELICIDAD GIDO

GALAS POLICE STATION

JO ANNE OROBIA-CHUA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with