Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang mga biktimang sina Almario Gardon, 40, residente ng Pritil St. Tondo at Alfredo Punzalan, 18, pedicab driver habang ginagamot naman sa nasabi ding pagamutan si Rolando Ocampo, 18, na nagtamo din ng tama ng bala ng baril sa katawan.
Batay sa report ni Manila Police District-Homicide Detective Dave Tuazon, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Corcuera St. Tondo.
Nag-iinuman sina Punzalan, Ocampo at walong iba pa nang biglang dumating si Gardon at agad na pinaputukan ang grupo ni Punzalan gamit ang isang home-made shotgun.
Bagamat may tama, nagawa pang makipagpambuno ni Punzalan kay Gardon hanggang sa maagaw ito ng una sa huli at nagresulta ng pagkakadamay ng biktimang si Ocampo.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya laban sa iba pang mga suspect na nakilala sa mga alyas Estong, Boboy, Rolan at Pingo. (Ludy Bermudo)