^

Metro

2 utas, 1 sugatan sa rambol

-
Dalawa katao ang namatay kabilang ang lalaking nagpaulanan ng bala matapos sugurin nito at pagbabarilin ang grupo ng mga nag-iinuman kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang mga biktimang sina Almario Gardon, 40, residente ng Pritil St. Tondo at Alfredo Punzalan, 18, pedicab driver habang ginagamot naman sa nasabi ding pagamutan si Rolando Ocampo, 18, na nagtamo din ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa report ni Manila Police District-Homicide Detective Dave Tuazon, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Corcuera St. Tondo.

Nag-iinuman sina Punzalan, Ocampo at walong iba pa nang biglang dumating si Gardon at agad na pinaputukan ang grupo ni Punzalan gamit ang isang home-made shotgun.

Bagama’t may tama, nagawa pang makipagpambuno ni Punzalan kay Gardon hanggang sa maagaw ito ng una sa huli at nagresulta ng pagkakadamay ng biktimang si Ocampo.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya laban sa iba pang mga suspect na nakilala sa mga alyas Estong, Boboy, Rolan at Pingo. (Ludy Bermudo)

ALFREDO PUNZALAN

ALMARIO GARDON

CORCUERA ST. TONDO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE DETECTIVE DAVE TUAZON

OCAMPO

PRITIL ST. TONDO

PUNZALAN

ROLANDO OCAMPO

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with