Ayon kay Belmonte, ang proyektong ito ang magkukumpleto sa Gearing Up Internet Literacy and Access for Students Project (GILAS) upang mabigyan ng internet connection ang mga public secondary schools sa QC.
Una nang nagpalabas ang city government ng P1.2 milyon para sa proyekto kung saan counterpart nito ang Ayala foundation Inc. kung saan popondohan ang internet connections kasama na ang pagbili ng computer units, servers, printers at networks peripherals.
Kasabay nito, hiniling din ni Belmonte kay City Schools Superintendent Dr. Victoria Fuentes na tiyakin na ang lahat ng mga pasilidad at software na ipagkakaloob sa mga paaralan ay magagamit ng mga mag-aaral at naaayon sa napagkasunduan ng QC government at ng Ayala Foundation. (Angie dela Cruz)