^

Metro

Nagbebenta ng kidney, huli ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -
Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 38-anyos na lalaki na responsable sa iligal na pagbebenta ng kidney sa Taguig City.

Ang suspect na si Dennis Permites ng Purok I Upper Bicutan, Taguig City ay agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 o anti-trafficking of persons act of 2003.

Ayon kay Special Investigator III Joey Narciso ng NBI-National Capital Region humingi ng tulong sa kanila ang biktimang si Jose Rivero, 31, tricycle driver upang maaresto si Permites na nanloloko sa kanya.

Pinangakuan siya ng suspect na babayaran siya ng halagang P300,000 para sa kidney, bibigyan ng libreng matutuluyan hanggang matapos ang operasyon at isasagawa ang operasyon sa isang pribadong ospital sa Quezon City.

Sinabi ni Permites na nahirapan siyang hanapan ng katugmang kidney si Rivero kung kaya’t napilitan itong tumira sa kanya sa loob ng 10 buwan mula Enero hanggang Oktubre 2006.

Matapos ang operasyon noong Oktubre 10 nakita ni Rivero na binayaran ng recipient ng kanyang kidney si Permites kung kaya’t hinihingi niya dito ang napag-usapang P300,000. Subalit sa halip na bayaran ng buo, installment ang ginawang pagbabayad ng suspect sa biktima.

Dito na napilitang humingi ng tulong si Rivero sa NBI kung saan nagpanggap na tenant si NBI investigator Narciso.

Nakuha kay Permites ang isang PRC card na nakasaad na isa itong lisensiyadong physical therapist. Ibeberipika ito ng NBI bukas.

Naabutan din sa bahay ng suspect ang anim pang kalalakihan na pinaniniwalaang mga kidney donors.

DENNIS PERMITES

JOEY NARCISO

JOSE RIVERO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

OKTUBRE

PUROK I UPPER BICUTAN

QUEZON CITY

RIVERO

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with