Ayon kay Gatdula, hindi maaaring kunsintihin ang sinumang pulis na lumabag sa batas kung kayat "hands off" sila sa imbestigasyon ng NCRPO laban kina SPO2 Rodolfo Estores, PO2s Cyril Digusen, Darwin Salvador, Jay Calderon, at PO1 Rolando Isidro, pawang nakatalaga sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng Quezon City Police District (QCPD).
Sinabi ni Gatdula na nagtataka lamang siya kung bakit nagsasagawa ng anti-illegal drug operation ang mga limang pulis samantalang ang mga ito ay pawang nakatalaga sa CID.
Aniya, may prosesong sinusunod sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation kung saan kailangan na munang maging miyembro ng District Anti-Illegal Drugs ang isang pulis at saka magkakaroon ng koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Matatandaan na umaabot sa P4.6 milyon ang nakuha ng mga awtoridad mula sa mga pulis at ex policeman na si Elmer Ramos, at dalawang sibilyan na sina Darwin Mijares at Marcelo Montero sa isang fast food chain sa Philcoa. (Doris Franche)