Baywalk beauty, ginulpi ng live-in partner
December 15, 2006 | 12:00am
Isang miyembro ng Baywalk Bodies ang nagsampa ng reklamo matapos na bugbugin umano ng kanyang live-in partner, kamakalawa sa Quezon City.
Si Mark Lawrence Dionisio, 27, ng no. 11 Caimito St. Brgy. Quirino 2-A, Project 2, Quezon City ay kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Police District-Anonas Police Station 9 matapos na ireklamo ni Kissa Kurdi ( Sally Tuazon sa tunay na buhay), miyembro ng Baywalk Bodies at residente ng no. 20 Sct.Limbaga St. Brgy. Laging Handa, Quezon City.
Ayon sa salaysay ni Kurdi, nagsimula ang kanilang away ni Dionisio nang sitahin niya ito bunsod na rin ng isang tawag sa telepono ng isang babae na nagngangalang "Claire".
Sinabi ni Kurdi na may ka-text na ibang babae si Dionisio subalit hindi naman ito nagpaliwanag at sa halip ay binalewala na lamang siya nito.
Dala ng matinding selos, nagpang-abot sina Dionisio at Kurdi hanggang sa bugbugin umano ng una ang huli na nagtamo naman ng mga pasa sa katawan.
Agad namang nagreklamo si Kurdi sa pulisya kung saan pinaaresto si Dionisio habang nagpagamot naman ito sa East Avenue Medical Center.
Lumilitaw na nauna nang binugbog ni Dionisio si Kurdi noong Disyembre 12 nang magkaroon din sila ng mainitang pagtatalo kung saan sinira pa nito ang kanyang cellphone.
Nahaharap naman sa kasong physical injuries si Dionisio sa Quezon City Prosecutors Office. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended