Nilalapatan ng lunas sa Parañaque Community Hospital (PCH) ang pamilya Mejas na kinabibilangan nina Roger Sr., ama; Rufina, ina, kapwa 42-anyos; mga anak na sina Myla, 21, hindi pa malaman kung ilang buwang buntis ito; Mark, 5; Roger Jr., 11; Malou, 17, pawang mga nagtamo ng 3rd degree burn; Malyn, 15, 2nd degree at Marie 12, nagtamo naman ng 1st degree. Nabatid na mula sa PCH, inilipat sa Philip. General Hosp. (PGH) sina Roger Sr.; Rufina; Myla; Mark at Roger Jr.
Ayon sa imbestigasyon ni SF04 Arturo Castro, ng Parañaque City Fire Department, naganap ang insidente dakong alas-8 na umaga sa loob ng bahay ng pamilya Mejas, na matatagpuan sa Santa Cecilia St., Valley 1, Brgy. San Antonio, ng lungsod na ito.
Nabatid na nagtitinda ang pamilya Mejas ng fish ball at nagkaroon ng leak ang super kalan nito na gamit ang isang LPG tank, kung kayat kinalikot umano ito ni Roger Sr., para ayusin. Ngunit natanggal umano ang barbola ng naturang kalan, na naging dahilan nang pagsabog. (Lordeth Bonilla)