^

Metro

7 preso pumuga sa Caloocan Police

-
Pitong bilanggo ng Caloocan City Police ang tumakas sa pamamagitan ng paglagare sa kanilang rehas, kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang mga nakapugang preso na sina Harlem Santos, 17; Arturo de Lima, 25; Roderick Acantilado, 23; Roger Mijares, 16; Jason Jabaan, 18; Ronald Robles, 28, at Gilbert Mariano, 25, pawang may kasong theft at robbery/ holdup.

Agad namang sinibak ni Senior Supt. Geronimo Reside, hepe ng Caloocan City Police si Chief Inspector Buenvenido Santianes, hepe ng Sub-Station 1 na dito naganap ang pagpuga ng mga preso.

Pansamantalang ipinalit kay Santianes si Chief Inspector Rio Gatacillo.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang madiskubre ang pagtakas ng mga preso. Nabatid na nagawang makapuga ng mga ito sa pamamagitan ng pagputol sa dalawang rehas na bakal habang wala ang nagbabantay na si SPO1 Ermin Hipolito. Dahil wala ni isang pulis ay malayang nakalabas ang mga suspect hanggang sa tuluyang nakatakas.

Samantala, dakong alas-10 ng umaga isinuko naman ng kanyang mga magulang ng isa sa mga pumuga na si Santos, habang ang isa pa na nakilalang si Acantilado ay naaresto sa isinagawang operasyon sa Libis Sta. Quiteria sa nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation pa ang inilunsad laban sa lima pang pugante. (Ellen Fernando)

CALOOCAN CITY POLICE

CHIEF INSPECTOR BUENVENIDO SANTIANES

CHIEF INSPECTOR RIO GATACILLO

ELLEN FERNANDO

ERMIN HIPOLITO

GERONIMO RESIDE

GILBERT MARIANO

HARLEM SANTOS

JASON JABAAN

LIBIS STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with