Ayon kay Police Supt. Nestor Abalos, chief ng Quezon City Police District City Hall detachment, dakong 10:30 ng umaga nang salakayin ang North Diversion Market sa Balintawak.
Sinabi pa ni Abalos na ang operation ay pinangungunahan ng Business Permit and Licensing Office, Health Department, Market Division ng QC Hall at Quezon City Police.
Nabatid na ang pagsalakay sa naturang palengke ay dahil sa reklamo na pawang mga bulok at marumi umano ang mga ibinebentang karne sa 14 na store sa naturang palengke.
Ayon naman kay P03 Manny Gragasin may hawak ng kaso, nakatakas ang mga may-ari ng 14 na tindahan na sinalakay makaraang matunugan ang pagdating ng mga awtoridad habang ang mga may-ari ng North Diversion Market sa Balintawak ay nakilalang isang Larry Lacsamana at Max Ramos.
Sasampahan ng kasong paglabag sa sanitary code, conducting business without Mayors permit ang mga may-ari ng mga naturang tindahan. (Doris Franche)