Babae natusta sa sunog
December 11, 2006 | 12:00am
Sa pagnanais na makasalba pa ng ilang kagamitang naiwan, isang 34-anyos na babae ang namatay matapos na balikan nito ang nasusunog na bahay upang kumuha pa ng mga kagamitan kamakalawa sa San Juan.
Halos hindi na makilala ang sunog na sunog na bangkay ni Nora Cebu, ng no. 332 Tuano St., Brgy. Batids ng nasabing bayan.
Ayon kay FO1 Carlo Magno dela Gracia ng San Juan Fire Station, naganap ang sunog dakong alas- 2:25 ng madaling-araw matapos na bigla na lang umanong magliyab ang kisame ng bahay ng biktima.
Dahil sa lakas ng hangin, mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan subalit nagpumilit pa ring pumasok ang biktima upang magsalba ng mga gamit na naiwan sa loob nito.
Subalit habang nasa loob ng bahay ay gumuho na ang kabahayan dahilan upang makulong ang biktima sa loob nito.
Naapula ang apoy dakong alas-3 ng madaling-araw at doon na nakita ang bangkay ng biktima na sunog ang buong katawan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagmula ang nasabing sunog sa koneksyon sa kuryente. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended