Manager, 2 recruiter, utak ng human smuggling
December 11, 2006 | 12:00am
Isang club manager at dalawang recruiter ang itinuturo ng mga Pinay na nakatakas na utak sa malawakang human smuggling at white slavery sa isang club sa Dubai kung saan isa mga recruiter ay mayroon nang warrant of arrest na ipinalabas ang National Bureau of Investigation (NBI) bunsod ng kasong isinampa ng mga babaeng ipinadala nito sa Europe at ipinagamit umano sa mga foreigner at hindi binayaran.
Ito ang ibinunyag ng dalawa sa mga babaeng nakatakas na itinago sa mga pangalang Jacklyn at Nicole mula sa mga kamay ni Fidel Castro, manager ng Ratsky-Dubai at mga recruiter na sina Maureen Bulanadi at Julie Peralta kapwa tubong-Nueva Ecija. Ayon sa dalawang Pinay, pagiging waitress ang sinabing trabaho nina Bulanadi at Peralta sa kanila subalit nasadlak sila sa prostitusyon.
Kasabay nito, matapos maglabas ng warrant of arrest ang NBI laban kay Peralta na nagtatago na ngayon bunsod ng kasong isinampa ng mga babae na ipinadala umano nito sa Europe, isang Roberto Asayo ang magbibigay ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo at magbibigay ng impormasyon sa pinagtataguan nito.
Si Castro ay naninirahan sa Al Rigqa, Dubai samantalang si Bulanadi at ang mga kinuha nitong babae ay tumitira sa Satwa, Dubai. Napag-alaman na dati din umanong binubugaw ni Castro si Bulanadi sa nagngangalang Shawn na isang Briton at kinumbinsi na hati sa magiging kita kung tatayong financier ng mga babaeng dadalhin sa Dubai.
Agad naman umanong tinanggap ni Shawn ang alok ni Castro kung saan Oktubre 2006 ay kumuha ng 15 babae sa Pilipinas si Bulanadi na naganap sa isang 5-star Hotel matapos na sumailalim sa screening. Sa kasalukuyan ay nasa Pilipinas na muli si Bulanadi upang kumuha ng mga babae na dadalhin sa Dubai. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended